KRAYOLA
Hindi na nakakagulat marinig ang mga salitang balbal sa mga pasalitang diskurso. Ang mga Pilipino na yata ang pinakamalikhain sa paggamit at pag-imbento ng mga salita. Bawat grupo sa komunidad ay may kontribusyon sa paglikha ng mga salita sa impormal na paraan. Isa sa mga grupong ito ang nagpakilala sa gay lingo. Ang gay lingo ay ang mga salitang pinauso ng mga homosekswal. Kadalasan, gumagamit sila ng mga salitang Ingles na binibigyan ng ibang kahulugan.
Malaki ang impluwensya ng mga gay lingo o mga salitang bakla sa pagsasalita nating mga Pilipino. Dahil madami ang gumagamit nito, natuto ang karamihan na tanggapin ang gay lingo bilang bahagi ng bokabularyo at gamitin ang mga ito sa pasalita man o pasulat na diskurso.
Ang “krayola” ay isang halimbawa ng salitang binigyan ng ibang kahulugan gamit ang gay lingo. Ang “krayola” ay isang kagamitang maihahalintulad sa lapis, ngunit ito ay makulay at karaniwang gawa sa wax o sa chalk. Kung gagamitin naman ang “krayola” bilang gay lingo, ibang iba ang magiging kahulugan nito. Ang “krayola” kasi bilang gay lingo ay nangangahulugang pag-iyak. Hango ang depinisyong ito sa tunog ng unang apat na letra ng salita. Katunog nito ang salitang Ingles na “cry” na ang ibig sabihin ay iyak.
Kung tutuusin ay napaka ironic ng dalawang kahulugan ng salitang “krayola”, ang isa ay nagbibigay-kulay at ang isa naman ay pag-iyak. Tulad ng marami pang bagay sa mundo, nasa tao na kung ano ba talaga ang kahulugan ng “krayola” para sa kanila.
Mahusay ang pagpapaliwanag subalit ang ginamit mo ay krayola subalit ang heading o titulo ng blog mo RETORIKA? ano ba talaga? 90%
ReplyDelete